top of page

"Paglipad, pagsadsad"

Isang Tula

 

By: Allyson Jane Cruz

 

Sariwa pa ang mga ala-ala

Kung paano tayo unang nagkita

Ang pagtama ng ating mga mata

At ang pagsisimula ng ating kabanata

 

 

Ang mga salitang binigkas

Ang pagmamahal na ipinadanas

Mga planong isinulat

Ay dapat nang kalimutang lahat

 

 

Tinuruan mo akong lumipad

Kasama ang kasiyahan at pangako

 

Baon ang ating pag-ibig

At mga salitang aking pinaniwalaan

 

 

Sana’y di mo binigkas

Iyong salitang lumipas

Pangakong sinira

Pag-ibig na iniwan

 

 

Ngayon ako’y lugmok

Sumadsad mula sa paglipad

Ikaw na nagturo kung paano,

Ikaw rin na humila palubog

At nagbagsak sa putik ng kalungkutan

 

 

Sana hindi kita minahal

Sana ay hindi kita nakilala

Sana ay hindi na lang nagsimula

Para hindi humantong sa pagtatapos

 

 

Paalam aking mahal

Paalam mga ala-ala

Ako na ay tatalikod

At susubukan muling lumipad

© 2021 by Allyson Jane Cruz. Proudly created with Wix.com

bottom of page