
"Mahal pa rin kita"
Isang Tula
By: Allyson Jane Cruz
Kay sakit makita ng iyong mapupungay na mata,
Kay sakit na masilayan ang iyong matatamis na ngiti,
Kay sakit na maalala ka.
Oo ikaw.
Ikaw na minahal ko ng lubusan
Ikaw na pinag alayan ko ng oras at panahon
Ikaw na hanggang ngayon ay mahal ko parin
Kay sarap alalahanin ng ating mga alaala,
Kay sarap sariwain ng nakaraan
Kay sarap maalala na minahal mo ako.
Minsan mo akong minahal
Minsan tayo ay nagtawanan
Minsan nating hindi inintindi ang iba,
Ang mahalaga ay..
Ikaw. Ako. Tayo.
Sana ay mayroon paring tayo
Sana ay hawak ko parin ang kamay mo,
Sana ay yakap yakap parin kita
Sana andito ka parin sa tabi ko
Sana ngayon ay hindi ako nagsisisi
Nagsisisi akong pinakawalan kita,
Nagsisisi akong bumitaw ako sating dalawa,
Nagsisisi akong sumuko ako
Nagsisisi ako. Lalo na ngayong wala ka na.
Wala ka na.
Wala ng kasiyahan. Puro kalungkutan,
Wala ng ngiti. Puro pighati
Wala ng pagmamahalan. Napalitan ng kalimutan,
Wala na ang dating tayo. Paalam na.
Paalam na.
Gustuhin ko mang bigkasin ang paalam,
Ngunit puso ko ay hindi pa kayang mamaalam
Hindi pa kayang kalimutan ang lahat,
Dahil ang katotohanan ay..
Hanggang ngayon mahal na mahal kita.