
"#hugot"
Isang Sanaysay
By: Allyson Jane Cruz
Sa bawat pagpatak ng luha, sa mga palahaw na madidinig, mga halakhak na tila musika at kasiyahan na sana’y walang patid. Mga karanasang nagturo at humubog sa kung sino tayo. Mga karanasan na naging dahilan ng #hugot.
Minsan mayroong mga pagkakataon na kailangan natin ilabas ang mga saloobin. Bawat isa ay mayroong pinagdadaanan, may love life man o wala, lahat may pinaghuhugutan. Mayroong nasasaktan, nagmamahal at nabigo. Ang hugot ay isa sa pinakasikat na paraan upang ipahayag ang iyong damdamin. Kadalasang makikita ito sa Facebook o Twitter na sadyang marami ang nakakarelate.
Mayroong iba’t-ibang klase ng mga hugot lines. Ito ay ang sumusunod:
• Crushzoned hugot – Mga hugot lines na nagmamaasim dahil hanggang tingin at sulyap lang ang magawa kay crush.
• Friendzoned hugot – Damang-dama ba ang sakit ng pagiging magkaibigan lang? Yung tanging pagkakaibigan lang ang maibibigay niya at wala nang hihigit pa doon. Akala mo pwedeng maging kayo pero hindi pala. Eto ang hugot para sa’yo.
• Past hugot – Mga alaalang patuloy na kumakatok sa isip mo. Paulit-ulit na nakakapagbigay lungkot sa mga taong patuloy na humahalukay sa nakaraan at hindi magawang mag- move on.
• Paghihintay hugot – Pagod ka na bang maghintay sa “The One” mo? Yung sa dami ng sakit na pinagdaanan mo, parang wala ng katapusan. Yung tamang panahon na hinihintay mo para makilala siya ay animo’y hindi na dadating pa.
• Break-up hugot – Hugot ng mga wala ng pag-asang relasyon. Yung hindi mo inaasahang matatapos ang lahat sa ganung paraan lang. Akala mo hanggang dulo kayo pa rin, kaya lang akala mo lang yon. Natapos na ang lahat, wala na siya at wala ng kayo.
• Pinaasa-Umasa Hugot – Mga hugot ng mga taong nadala sa mga pangako at matatamis na salita. Mga umasa na magiging maganda ang ending ng kanilang relasyon. Pero wala, nauwi lang sa kabiguan.
• Fanzoned hugot – Mga taong hanggang posters at pangarap lang ang magagawa. Patuloy na tinitingala ang bituin na kailan man hindi masusungkit. Patuloy na minamahal ang kanilang mga idolo mula sa malayo.
• Bitter kasi Walang Lovelife Hugot – Para sa mapapait na hugot ng mga taong wala pang nahahanap na pag-ibig. Mistulang mga ampalaya na hindi kasama sa trending bahay kubo.
• Hugot kasi trip mo – Mga simpleng usapan at katanungan na biglang sisingitan ng hugot. Hindi naman sa mayroon kang pinagdadaanan, kung hindi nais mo lang maki-ride sa hugot ng iba. Hugot lang hugot kahit mukha ka ng nababaliw.
#USAPANG HUGOT
Nakita mo ba si Jenny Belle?
– Yan kasi iniwan mo tapos ngayon babalikan mo, gagawin mo pa akong rebound? Tapos sasaktan mo rin ako katulad nung ginawa mo sa kanya. Dyan ka naman magaling, mang-iwan at manakit.
Pautang muna, nagkulang yung pamasahe ko.
– “Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako? … Oh kailangan mo ako kaya mahal mo ako?” – Claudine Baretto, Milan (2004)
Palit na lang tayo Allyson?
– Pagkatapos mong pagsawaan ibabalik mo sakin. Inagaw mo siya kahit mahal ko, binigay ko kasi akala ko sasaya siya sayo. Pero mali ako, yung taong pinapangarap ko, ngayon binabasura mo.
Sino kumuha ng ballpen ko?
– “Ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher, maaagawan ka. Lumaban ka!” – Carmi Martin, No Other Woman (2011)
Jenny, Penge naman akong one whole sheet of paper?
– Ngayon nanghihingi ka ng papel sa buhay ko. At gusto mo pa buong-buo! Iniwan mo ko tapos ngayong may kailangan ka babalikan mo ko. Pagod na pagod na ako.
Hi Allyson. Pwede bang makipagkilala?
– Ayan sisimulan mong pumasok sa buhay ko tapos magiging close tayo. Mahahalin kita tapos hindi mo naman kayang ibalik yung pagmamahal ko. Maf-friend zone ako. Tapos patuloy mo akong sasaktan. Sana kasi pinatay mo na lang ako.
Hoy Jenny. Nagsuklay ka ba?
– “Hindi ako perfect and kahit kailan, hindi ko hihilingin na maging perfect ka. Ang hihilingin ko, subukan mong baguhin ang sarili mo para maramdaman mo na karapat-dapat ka. But you never tried.” – Bea Alonzo, She’s the One (2013)
– Sabi na nga ba mapanghusga ka. Panglabas na katangian lang ang mahalaga sayo. Naging mabuti naman akong kaibigan diba? Pero hindi pa rin sapat. Hindi ka kasi marunong makuntento. Hirap sa’yo! Mga kabataan talaga ngayon.
Haya Allyson. Yung ball pen nalaglag!
– Pati ba naman ball pen na-fall sa’yo. Ganyan ka naman kasi, paasa ka. Tapos nung nahulog na sa’yo, hindi mo naman kayang saluhin. Dinaig mo pa yung gravity!
Jenny, sa tingin mo ano yung pakiramdam na maging bola ng soccer?
– Akala mo masaya kasi pinag-aagawan ka? Pinapaikut-ikot, binobola, pinaglalaruan at sinasaktan. Kapag tapos na yung game, iiwan ka na lang. Sabihin mo nga sakin kung ano masaya don?
Allyson buksan mo nga yung ilaw?
– Dyan naman kayo magaling, you’ll make somebody turn on pero kapag na-fall na sa’yo. iiwanan mo!
Jenny, okay ka lang ba?
– Nakita mo na ngang nasaktan tapos tatanungin mo pa kung okay lang. Nagmahal ako ng sobra pero sobra din akong nasaktan. Lahat naman ginagawa ko, lahat din binibigay ko. Ganito na ba ako kahirap mahalin o ganito ako kasarap lokohin.
Ang hugot ay isa sa pinakabagong paraan ng pagsasabi ng saloobin. Ipapakita lang nito ang pagiging malikhain ng isipan ng mga kabataan. Kadalasan itong dinadaan sa biro o kalokohan ngunit marami parin ang nakakaintindi at sumasang-ayon sa mga ito.
Kami po ang mga huguterang manunulat na nag-iiwan ng kasabihan na “Hugots are half meant.