top of page

"Class prophecy"

By: Allyson Jane Cruz

 

Ang buhay ng bawat isa ay konektado. Ang bawat pangyayari ay nagaganap ng mayroong dahilan. Ang mga tao ay nagkakakilala upang may kabanatang gampananan. Ang bawat kabiguan ay magiging daan tungo sa isang pag-unlad. Sa bawat kalungkutan at pagluha ay siyang mas nagpapatamis sa bawat tagumpay. Tayo ay mayroong gagampanang papel sa buhay ng isa’t – isa. Isang koneksyon na hindi mapuputol at mga tadhanang magkakadugtong.

 

Kami ay nabigyan ng pagkakataon upang tignan at maghinuha sa kapalaran ng bawat isa. Andito kami upang tignan ang hinaharap at pangarap ng aming mga kamag-aral. Mga kwento ng tagumpay, pagbagsak at muling pagbangon.

 

Isang tinig na akala’y hindi na madidinig. Si Chrisler Matucino, isang simpleng mag aaral na ang tanging nais ay awitan ang kanyang minamahal na ina hanggang sa dulo. Ang kanyang pagmamahal sa pagawit at ang ginintuan niyang tinig ang nagdala sa kanya sa bawat entablado sa iba’t-ibang sulok ng mundo.

 

Isang sakripisyo para sa pamilya. Si John Dale Gonzales piniling malayo sa pamilya para matustusan at mabigyan lamang sila ng magandang buhay. Araw-araw lumbay at malawak na katubigan ang kanyang hinaharap. Ngunit ito ay hindi niya alintana para sa pagmamahal sa pamilya.

 

Kagaya ng pagkain na kanilang niluluto ang kwento ng kanilang buhay. Mayroong pait, anghang at mga pagkakamali ngunit ang mga ito ang siyang mas nagpatamis sa bawat putaheng kanilang niluluto. Sina Celine Cabria, Novilyn Domingo, Valerie Villanueva, Rufa May Delo Santos, Michelle Ann Dela Cruz at Angelyn Reyes ang mga pursigidong manluluto o chef.

 

Isang busilak na kalooban ang nagtulak kay Shaina Mae Almazan para maging isang doctor. Buong buo ang kanyang pagmamahal sa kanyang trabaho. Siya’y tumutulong sa iba’t – ibang klase ng tao, mahirap man o mayaman.

 

Ang pagod at hirap sa pagtuturo ay hindi nila alintana. Ang mga gurong hindi nagsasawang magbahagi ng kaalaman. Ang kanilang pasensya at pag – intindi sa atin ay mistulang hindi nauubos. Sila Erika Estanislao, Camille Samaniego, Kaila Katipunan, Jericho Vasallo, Joanna Vergel de Dios, Jomari Vasallo at Glycelle Valimento ang mga butihing guro. Mga bagong bayani at pangalawa nating magulang.

Maliit ngunit malupit, isang babaeng nagtatrabaho sa isang sikretong ahensya ng gobyerno. Si Crizza May Lazaga isang secret agent. Handang humarap sa iba’t – ibang problema at krimen dala ang kanyang katapangan.

 

Bilyon-bilyong tao ang umaasa sa kanilang pamamahala. Si Trisha Santos at Missy Valondo ang nagpaplano at nangangasiwa sa VLK Company. Ang kompanyang nagunguna sa paggawa ng mga aksesoryang pangbabae. Sila ang nagbigay daan sa lalo pang pag-angat ng nasabing kompanya.

 

Isang komplikadong trabaho na nangangailangan ng kasanayan sa matematika at siyensiya. Mahirap at magulo ngunit nagawa namang mapagtagumpayan nila Elaine Gonzales at Janine Scyrelle Abedes na ngayon isa ng kilalang engineer.

 

Ang kanilang kagandahan ay batid sa kahit anong sulok ng Pilipinas. Tanyag na tanyag ang pangalang Jenny Belle Jimenez at Chrislyn Bautista. Sa mga billboard, commercials, posters at magazines ay mukha nila ang makikita. Sila na nga ang masasabing pinaka hot at in demand model sa henerasyong ito.

 

Ang magmamaneho sa’yo ng may pag-iingat at kasiyahang taglay. Si Mark Angelo Valderueda, isang piloto. Sa saglit na paglalakbay kasama siya ang buong eroplano ay napupuno ng galak at tawanan. Ang kanyang mga pasahero ay hindi bababa ng eroplano ng walang baon na ngiti at kasiyahan. Katulong ang kanyang mga Flight Attendant na sina Rushellene Espiritu, Denzelle Calderon, Nichole Anne Perez at Zephaniah Reign Gonzales ay tiyak na magiging isang pangyayaring hindi mo makakalimutan ang pagsakay sa kanilang eroplano.

 

Isang nakakapagod na trabaho na nangangailangan ng matinding debusyon. Ang nagpaplano, nag-aayos at namamahala sa paggawa ng iba’t-ibang tahanan at imprastraktura. Si John Kate Dizon at si John Christian Matic ang ating mga Civil Engineer, ang mga gumagawa ng pundasyon ng matibay na samahan at tahanan.

 

Handang magbantay sa kaligtasan ng sambayanan. Si Lia Loayon miyembro ng kapulisan at sina Mar John Vasallo at Harvy Taguiam miyembro naman ng army. Sila ang nag aalay ng kanilang buhay para sa ating bayan. Handang sumuong sa kahit anong bakbakan mapagtanggol lang ang kanilang mga kababayan.

 

Isang pagbabago para sa kabataan ang nagawa nila Kimberly Rose Alfonso at Russel Angelo Toribio. Nakagawa sila ng isang software o program na naglalayong protektahan ang kabataan sa dumadaming krimen sa internet. Ngayon ay wala ng pangamba ang mga magulang sa kanilamg mga anak. Salamat sa kanila at nabawasan ang mga batang naaabuso at naliligaw ng landas.

 

Isang pagpaplano para sa sarili nilang buhay. Ang mga architect na sina General Allen Inoncillo, Jon Miguel Montemayor at Mariz Gizelle Aguilar ay gumagawa na ng sarili nilang plano para sa kanilang bahay. Marami na silang naiambag na gusali para sa Pilipinas. Ang mga tinitingala at hinahanggan na architect ay kasalukuyang naghahanda ng plano para sa kanilang pamilya at mahal sa buhay.

 

Ang shoot at palo para sa ating bansa. Si Jolo Santos at Xyra Balbanero ang kilalang-kilalang atleta sa Pilipinas. Tanyag si Jolo sa larangan ng basketball at si Xyra naman ay hinahangan sa volleyball. Marami ng patimpalak sa ibang bansa ang nadaluhan nila at ni kailan man ay hindi sila umuwi ng sawi.

 

Noong high school pa lang sila ay magkaibigan na sila at hanggang nagyon sila parin ang magkasama. Si Aubrey Valondo at si Jill Darryl Mercado magkasama nilang pinapatakbo ang kanilang coffee shop. Sa sarap ng kanilang kape ay natalo at nahigitan nito ang Star Bucks. Magkasama nilang hinaharap ang bawat hamon at pagsubok sa kanilang negosyo at buhay.

 

Ang katapatan sa kanilang tungkulin ang labis na kinakahanggan sa kanila. Ito ay si Lyndon Tadeo at si Marineth Vasallo. Sila ang namamahala sa pera ng Pilipinas. Sila ang tiga pag audit at tigaayos ng mga tax sa ating bansa. Sa kabila ng dami ng pera na kanilang nahahawakan ay hindi sila natuksong gumawa ng kamalian.

 

Isang sayaw para sa kabataan. Masayang tinuturuan nila Trixia Facto, Noelene Diaz, Derrick Morales at Lyka Geline Alvarez ang mga kabataan sa lansangan. Pilit nilang ipinapakita ang potensyal at talento ng mga batang kalye. Isinasali nila ang mga ito sa iba’t – ibang patimpalak. Walang bayad sa kanila kung hindi ang ngiti at ang katumparan ng kanilang pangarap.

 

Ang pagiging malikhain sa malilit na bagay ang ipinamalas ni Sarah Grace Valondo, isang interior designer. Isang simpleng tingin niya lamang sa isang bahay ay nakikita at naiisip na niya ang mga kulay at mga kasangkapan na babagay dito. Iba’t – ibang kilalang tao ang naserbisyuhan niya at palagi itong masaya sa naging kinalabasan.

 

Ang barkong Titanic na naging sikat dahil sa paglubog nito ay tinitiyak nina Joey Pascual at Laurenz Valderueda na hindi na muling mangyayari. Sila ay mga Marine Engineer.

 

Ang kaniyang libro ay nababasa at nakikita sa iba’t – ibang sulok ng Pilipinas. Simpleng trabaho ngunit labis na nakakaapekto sa damdamin ng bawat isa. Si Allyson Jane Cruz isang manunulat. Ang kanyang mga akda ay tagos sa damdamin at may aral na mapupulot.

 

Magtatanggol sa kahit anong kamalian na iyong masasagupa. Si Vincent Louie Angeles isang lawyer. Siya’y hindi pumapanig sa mayayaman kung hindi sa kung sino ang tama. Hindi niya tinitignan ang pero kung hindi ang katarungan para sa bawat isa.

 

Ang konsepto ng time machine na ang lahat ay nag-aabang at umaasa ay siya ng natupad. Ito ay nasakatuparan sa pamamagitan nina Vince Dave Mallari isang Electrician, Levin Ramos isang Electrical Engineer at ni Gerardo Dipasupil Jr isang Chemical Engineer. Isang imbensyon na nagpagulat at nagpahanga sa mundo. Maari mong balikan ang nakaraan o baguhin ang iyong mga desisyon sa nakalipas.

 

Minsan kami’y naging grade 9 student. Ang mga kakulitan, kaharutan, tampuhan, iyakan at kasiyahan. Kay sarap balikan ng mga alaala ng nakalipas. Minsan dumaan sa pagkabata at ngayo’y matagumpay na sa bawat larangang aming napili. Minsan kami’y nakaranas ng kabiguan, sinubok ngunit naka lagpas din sa mga ito. Tiyaga, kasipagan at tiwala ang Panginoon ay siyang nagdala sa amin sa tugatog ng tagumpay at habang buhay naming itong tatanawin na utang na loob sa Kanya.

© 2021 by Allyson Jane Cruz. Proudly created with Wix.com

bottom of page